Ate Noah and the Parish Boys.
Don’t laugh when I say love, don’t think that I’m naive because even a person who’s smart can listen to their heart, can listen and believe… so believe in what love can achieve!!
| — | Elle Woods , Legally Blonde the Musical |
| — | excerpt from The Next Six Years |

REMEMBERING RICO YAN. It has been eight (8) years since you left us. You may have gone at a very young age Rico but you will always be remembered. Please send us your famous killer smile from up there. Thanks for the memories.
:”>
A crackdown on stateless Rohingya living in Bangladesh has led thousands of people to seek safety at Kutupalong makeshift camp. Around 2,000 people arrived in January alone, driven from their homes in the Cox’s Bazaar area.
Bangladesh 2009 © Giulio Di Sturco/VII Mentor
Mula pa kagabi ay nagpapatugtog ako ng OPM habang nag-aaral. Walang dahilan. At walang gustong maging dahilan. Basta nagustuhan ko lang patugtugin ang OPM playlist sa media player ng computer ko.
Sa kinseng mga kanta sa playlist na yun, hindi ko mapigilang hindi isipin ang mga bagay-bagay na hindi ko na dapat iniisip. At parang nagloloko pa ang tadhana, ang mga kaibigan ko nung college ay naisipang magpost ng mga lumang larawan sa group namin. At oo, ni isa sa mga larawan na iyon, wala ako. Isa lang ang pumasok sa isip ko: Nasan ako nung nangyayari ang mga ito?
Ay oo nga pala, may iba akong inaatupag noon. May ibang inaasikaso. Nagmadali din kasi akong lumaki noon eh. Sa pakiwari ko tuloy, ang dami kong hindi nagawa at naranasan na dapat naranasan ko. May mga taong muntik nang makilala kung nagtagal ako sa isang lugar kahit na ilang sandali nalang. At may mga desisyong hindi dapat ginawa. Pero sa ngayon, sa puntong ito, wala na akong magagawa. Tapos na lahat. Halos sampung taon na nga ang nakaraan.
Oo, sampung taon.
Kaya ayan, dahil sa mga OPM na yan, ibinabalik ako sa panahong simple pa lahat. Sa panahong kasya pa ako sa 24-inch waistline na pantalon at karamihan ng aking mga sapatos ay rubber shoes. Nung panahon naka-barber’s cut ang buhok ko at hindi pa naisipan ng mukha kong tubuan ng mga tigyawat. Nung panahong matataas pa ang pangarap ko at hindi pa ito sinisira ng mga palyang desisyon.
Bakit ko nga ba pinayagang humantong ang lahat sa ganito? Bakit ba hindi ko na-control ang mga sitwasyong kinasangkutan ko?
Hindi siguro alam ng nakararami ang dinaranas kong sakit araw araw. Kasi sa araw araw na pumapasok ako, may isang grupo na nagpapaalala sa akin ng bawat maling desisyon, bawat nasayang na sandali dahil hindi ko agad napigilan ang mga bagay na pwede pang pigilan.
Ano pa nga bang magagawa ko ngayon kundi tiisin bawat araw. Pero minsan may hangganan ang pagtitiis. And I am approaching my breaking point. Tama pa ba ang ginagawa ko? Tama bang tiisin kong mabuhay sa isang mundong umiinog na taliwas sa mga prinsipyo ko sa buhay? Tama pa ba? O tama na?




